Kakaibang musika
Hatid ng mga musikero sa kalsada.
Bokalista sa sarili nilang banda
Gitarista, trumpista…
Kahit walang instrumentong dala.
Tataas… bababa…
Tono ng bawat kanta.
Kahit masakit na sa pandinig ng masa,
Patuloy pa rin sila sa pagkanta.
Sila ang mga artistang, hindi pinapalakpakan.
Mang-aawit na nakakasawang pakinggan.
Sila ang mga sasakyang nagkalat sa lansangan…
Ingay na hatid ng busina…
Ito ang awit na nakaka-irita!
Masakit sa tenga… hindi ba?
6 comments:
hi there! I saw your poems and they're great!
keep on doing them!
(^_^)
TAMA KA ANG IYONG AKDA AY SIMPLE LANG PERO MAKABULUHAN ANG IBIG SABIHIN!
maganda ang akdang sinulat mo!simple pero makabuluhan!sana matauhan ang mga motoristang mga pasaway!at lumalabag sa batas trapiko
Salamat po sa inyong mga comments...
sino ang may akda?
@kengian ako po ang may akda..
Post a Comment